Sunday, May 30, 2010

Ang inggit sa kapwa

Sa lahat siguro ng masasamang ugali, ito siguro ang nag-uugat kung bakit ang tao ay nakakagawa ng hindi maganda sa kanyang kapwa...kasi kapag laging umiiral sa sarili mo, puso mo at utak mo ang inggit, wala kang gagawin kungdi manira, hilain pababa ang iyong kapwa para bumagsak ito at kapag mangyari ikaw ngayon ay tuwang-tuwa, mag-kwento ng masasama laban sa kapwa (back fighter), makipag-isnaban (unfriendly), mag-salita ng non-sense o makakasakit sa kapwa (nag-paparinig) at maramin pang ibang mapapangit na gawa.

Kahit may galit ka sa taong iyon, ipaubaya mo na lang sa Diyos, isipin mo na lahat ng bagay na ginagawa mo, mabuti o masama ay palaging may karma...Good or Bad Karma...isipin mo na kapag may ginawa kang masama sa kapwa, babalik at babalik din sa'yo...

Imbes na tayo ay mainggit sa ibang asensadong tao, mas mabuti pa na tayo na lang ay mag-sikap. Tulungan ang sarili at gayahin ang mabubuti niyang ginawa kung bakit siya umasenso. Matuwa din tayo para sa kaniya dahil sa mabuti niyang kalagayan sa buhay. Hindi yung kamumuhian natin siya at iiwasan o ipapahamak. Tulungan din natin ang mga kababayang nag-hihirap o nangangilangan ng tulong na walang inaasahang kapalit.

Huwag nating pag-aksayahan ng oras ang pakikipag-away o ang gumawa ng hindi maganda sa ibang tao para lamang siya ay bumagsak. Sasakit lang ang ating ulo kakaisip o kakakunsumi at kakatanong sa sarili na bakit sila ay mas maswerte sa atin...o mag-isip o gumawa ng bagay kung papaano natin sila pababagsakin...Lahat ng masasamang balakin at iniiisip mo laban sa kapwa ay non-sense...nag-sasayang ka lang ng oras ng buhay mo, wala kang mapapala kungdi karma o malas sa buhay at mga wrinkles sa iyong mukha.

Mas masarap ang pakiramdam kapag maraming mga taong natutuwa sa'yo, kapag marami kang kaibigan, kapag marami kang blessing at kapag hindi ka nangungunsumi sa buhay ng iba para siya ay pabagsakin...




1 comment:

Tutti Patuti said...

tama ang ugat nang evil ay galing sa masama... yet people always get envious of others..